BABALA

Sa buhay na ito, samu't sari ang mga pesteng nagkukunwari!

Martes, Disyembre 27, 2011

warden

May mga bagay na sa sobrang pagpapaulit-ulit ay ayoko na lamang intindihin. Kung baga sa larong taguan, hindi ko na mahagilap ang mga kalaro ko. Kahit na saan ko pa sila hanapin. In short, buro na ako. Poreber na taya. Nakakaburyot ang ganito. Wala rin naman akong magawa kung hindi mag hanap...

Linggo, Disyembre 11, 2011

Quotes

"There is nothing more dreadful than the habit of doubt. Doubt separates people. It is a poison that disintegrates friendships and breaks up pleasant relations. It is a thorn that irritates and hurts, it is a sword that kills."

Martes, Disyembre 6, 2011

Ang Lovelife ni Tito Ruben

Kung anu - anong kachorvahan ang ina - associate ng marami sa pagiging badash ng isang lalaki. Kesyo salot daw ito, malas, likha ng dyablo, kampon ni satanas etcetera, etcetera.

Mismong ang pagtawag nga sa kanila ng bakla ay may mapait na pakahulugang kasakbit mula sa mata ng tumatawag sa kanila. Malupit ang lipunan, at higit itong malupit sa mga pumili ng kasariang magpapasaya sa kanila. Bakit nga ba tayo nagmamalupit sa mga taong gusto lang namang maging masaya?

Sabi ni aling Baby, ang reyna ng binguhan na sya ring may ari ng tindahan sa tapat ng bahay namin e lolokohin lang ni Manong Andy si Tito Ruben. Dahan kasing walang matinong lalake ang papatol sa bakla. Kasi'y kwakwartahan lang sya nito at gipit sa pera, na sinasang ayunan naman ng mga kahuntahan n'ya.

Madalas talaga ang mga mapanghusgang mata, kung umasta'y kala mo alam ang lahat. Malay nya ba sa pagtitinginan nung dalawa. Kung talagang mahal ni Manong Andy si Tito Ruben.

Parlorista si Tito Ruben. S'ya ang nag - gugupit sa buhok ko at ni Carlota. Malambing s'ya at magiliw sa bata kaya palagi rin kaming pumupunta sa parlor nya kahit na hindi magpapagupit. Duon na rin kami sa tapat nila naglalaro ng ten - twenty at chinese garter na madalas nyang bawalin at baka daw kami mapilayan. Maglalabas sya ng mga manyika at yayayain kaming bihisan at ayusan na lamang ang mga iyon.

Sa aming magbabarkada, ako ang paborito nya. Pano'y madalas mag sagala. Presentable naman s'yang mag ayos ng buhok, mag make up, umarkila ng gown na susuutin at ayusan ang arko, pati na ang mga ilaw at lusis na gagamitin. Kung may mas eksayted kay Mama Betsay sa pagsagala ko, si Tito Ruben yun.

Hindi namin sya totoong kamag - anak, pero parang ganun na rin yun. Hindi naman kailangan ng bood relation para magturingang magkamag - anak ang mga tao dito sa amin.

Teka nga, bago mapalayo.

Pag namamalengke si Tito Ruben, lingguhan, maramihan iyon dahil lahat nga ng kamag - anak kahit na pininsan ay nakikitira sa parlor nya. Hindi naman iyon mga nagsisipagbayad ng renta, at syempre para masaya nakiki - kain na rin sila. Para mas lalong masaya, syempre si Tito Ruben ang namamalengke, nagluluto, naglalaba, nagbabayad sa taga palantsa, tubig at kuryente, sya ang sagot sa lahat ng kailangan ng mga kamag - anak, malayo man o malapit. S'ya ang unang maiisip mula sa pang - gatas hanggang pang - burol. Pero siya pa rin ang salot sa pamilya.

Si Manong Andy ay pedicab driver sa Trabajo market. Walang pamilya, sa pedicab lang rin nakatira. Basta ang natatandaan ko'y si Tito Ruben ang nag impluwensya kay Lola na gawing service namin sa eskwela ang bisikleta ni Manong Andy.

Kapag nakikita rin ni Manong Andy na inaasar ng mga bata si Tito Ruben, binubulyawan nya ang mga ito. Tsaka sasabihan si Tito Ruben na pagpasensyahan na lamang ang mga ito at hindi pa alam ang mga sinasabi. Pero pag sa bingguhan nagiging front page si Tito Ruben at naglitanya na si Aling During na si Tito Ruben ay kampon ni satanas, aba'y ibang usapan na iyon kay Manong Andy. Kahit hindi ugaling magpapatol sa huntahan. Sinasabi niyon ang mga mabubuting katangian ni Tito Ruben.

Basta ganun.

Pnagtatanggol nila ang isa't isa.

itutuloy ko na lang ang kwento pag may panahon na.

****
to be continued...

Lunes, Disyembre 5, 2011

Usapang Pangarap

I

Kung pangarap lang ang pag uusapan. Aba'y marami ako n'yan. Gusto kong maging teacher balang araw, gusto ko ring maging doktor, minsan nga gusto ko ring maging abogado at ang talagang kakaiba gusto ko talagang maging diyos.

Cool kasi yun. Isipin mo nga lahat ng bagay ikaw ang may kayang gawin, lahat ng bagay nangyari na, nangyayari at mangyayari palang alam mo rin.

Hindi pa nakakainip maging Diyos. Sasayawan at kakantahan ka kasi ng mga deboto. Minsan nga may acting pa. At dahil nga all knowing ako. Eh, bago pa kumalat ang mga tsismis sa tindahan ni Aling Baby e alam ko na iyon. Hindi rin naman ako magugutom dahil sisimulan ko ng kunin yung mga inaalay na prutas, tinapay at wine tuwing may misa.

Pero hindi naman puro saya ang pagiging Diyos. Madalas nakakabuwisit rin yun. Pano kasi ang daming hudas na hindi mo maunawaan kung bakit ba naman kasi ang kakapal ng kara na gumawa ng kalokohan tapos sa Diyos ihihingi ng patawad. E ano nga ba naman ang pakelam ko kung gumawa sila ng katarantaduhan, E hindi naman sila sa akin nagkasala. Pwede ko bang sabihin kay Mama Betsay na sorry po hindi ako gumawa ng assignments kaya na-zero ako sa quiz. Pero okay lang po yun. Pinatawad na naman po ako ni God. Malamang patay. Siguradong didipa ako sa munggo pag nagkataon.

Anak ng tipaklong. Bakit ba ang bata kahit na may point, pointless pa rin. Madalas naman kung mapapakinggan lang e may point naman talaga. Kung sabagay kaya nga tinawag na magulang ang nakatatanda. Magulang talaga. Hindi mo masusukol kasi'y matanda nga at ikaw ang bata.

Kapag nalaman ni Mama ang pangarap ko malamang sasabihin nya wala akong modo kaya nevermind. Erase, erase, erase! Makapanood na nga lang ng little miss Philippines. Kokopya na lamang ako ng pangarap mula sa kanila.

Pero teka maaga pa pala. Anime pa ang palabas sa TV. Naisip ko gusto ko ring maging tagapagligtas. Parang kagaya ni Gokou. Pero imposible. Kahit anong "hame hame weyb" ang gawin ko walang lumalabas na kung ano sa kamay ko. Ang talagang may kakayahan lang gumaya kay gokou dito sa amin e si Daniel. Pano kasi kapag nag hahame hame weyb sya e hindi naman talaga sa kamay nya may lumalabas, ang ikinatatakbo namin. Sa bibig, talsikan kasi ang laway nya.

Ah sa loob nalang ako ng bahay. Magbubutingting ng mga kung anu - ano. Mag uusyoso sa ginagawa ng lola.

Pag ganitong oras kasi e nagsisimula na syang magluto ng pananghalian. Kapag nainis yun sa kakulitan ko bibigyan ako ng piso nun. uutusang bumili nang tsitsirya na ang talagang goal e, ang mapalayo ako sa mga ginagawa nya.

Hay nakakabagot, bakit ba kasi pag bata ka pa wala kang magawa.

Dito nagsimula yung unang bisyo ko. ANG NAKAKA ALIW, NAKAKA ALIS INIP AT NAKAKA PAGPALIPAS NG ORAS. Ito ang art ng pagtunganga. Tumutunganga ako kapag walang pwedeng gawin at kahit na may pwedeng gawin pero ayaw kong gawin.

Madalas na ipinapa - panuod sa akin ang "little miss". Isasali daw ako dito ni Mama Betsay. Kailangang manood. Kailangang mag praktis.

Kaway - kaway, ngi - ngiti - ngiti, tapos sasabihin mo yung litanyang "Magandang tanghali po sa inyong lahat, ako po si Lukrecia Katigbak. May kasabihan po tayong, ang batang makulit pinapalo sa puwit! Ay tenkyu baw!" Sabay bow nga sa huli.

Kapag tinanong na sila ng host "Ne, anong gusto mong maging paglaki mo at bakit?"

Iba - iba talaga ang gusto nila.

      - gustong maging doktor
      - gustong maging inhinyero
      - gustong maging abogado
      - gustong maging guro

Etcetera, etcetera, blah, blah, blah...

Basta kahit na anong istorya ang dulo talaga, at ang sagot sa tanong na bakit, ay gustong makatulong sa mahihirap. Hay, kung alam lang nila ang talagang nangyayari pag nagsipaglaki na kami.

Pero alam nyo, kung lahat nga ng tao e, mag iisip ng tulad ng mga contestant ng little miss. Aba! Posible na ang all time favorite wish ng mga Miss Universe, ang walang kakupas - kupas na world peace.

ANG WORLD PEACE kasi ang sulusyon sa lahat ng problema ng sambayanan.

Trenta y otso pesos daw ang bala ng M16. Kung may world peace, aba, hindi na kailangan ng bala. Wa;a naman kasing giyera. Kung walang gyera e di malaki ang matitipid ng gobyerno sa pambili ng bala. Hindi na rin naman kasi kailangang ang mga ito.

Hindi na rin pala magkakahiwalay ang mga pamilya. Dalawa yun e. Yung sapilitang nirelocate dahil sa digma at yung mga lalaban sa digma. At kung makakatipid sa pambili ng bala, malamang wala nang magugutom. May pondo na rin ang gobyerno pampaaral sa mga batang may pangarap sanang pinapangarap. Sayang nga lang ang pangarap, natuyot na kasi kakasinghot.

Anak ng tinapa. Imposible naman kasi yun. World peace, world peace. Ayaw yun ni Tsong.

Hindi kasi papayag si Tsong na walang giyera sa lahat ng mga tropa nito. Pano kasi'y malulugi. S'ya ang nagsusuply ng sumpak sa mga gangster. Kapag walang nag aaway walang kikitain. Ah! Tama ang solusyon para wag malugi. Pag away - awayin sila.

Kapag magkaka away sila may bibili na ng sumpak at pulbura. Buhay ang negosyo! Patay ang tao! Pakelam ba nya kung madamay ka. Hindi ka naman nya kilala. Tsaka kung patay na ang tao wala nga namang magugutom...

Ano pa nga ba ang gagawin ko? May magagawa nga ba ako? Ikaw ano kaya sa palagay mo?

Pangarap talaga nilang mag Miss Universe ako. Sisimulan nila sa Little Miss Philippines. Kagaya ko kung alam lang nila ang mangyayari pag laki ko. (mafrufrustrate lang talaga sila)