BABALA

Sa buhay na ito, samu't sari ang mga pesteng nagkukunwari!

Miyerkules, Disyembre 19, 2012

kahapon

Kagabi masakit ang buong katawan ko buong maghapon. Maraming pwedeng dahilan, ambong naging ulan at ako ay walang payong, wala rin namang masilungan. Lakad - lakad sa initan. Ayun, basta kahapon masakit ang katawan ko.

S'yempre burgis - burgisan ako at nagtungo sa spa. Ang totoo wala lang talaga akong mahanap na hilot. Kung si Jo naman ang uutusan kong magmasahe sa akin, tatapak tapakan lang niya ang likod ko tapos hihingi ng pera e mas sasakit pa lalo ang likod ko. Anu kaya yun?

E, di ayun anu pa nga ba.


*panahong nagtratrabaho pa ako...

Ang nararamdaman ko para sa iyo

Sa totoo lang nalilito rin ako. Naghahalo - halo na rin kasi ang mga bagay - bagay.

Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa iyo?

Ang totoo kahit na minsan ay aminado na ako ay in denial pa rin. Hay, kahit na ako naihihirapang intindihin ang sarili. Minsan aamin, madalas hindi. E, duwag kasi ako, takot sa rejection. Bakit nga ba ako takot? Dapat sanay na sanay na ako, kahit kasi ako mismo sa sarili ko, nirereject ko ang sarili. Tapos matatakot sa rejection? Namputa naman o. Ang gulo gulo ko.

Naguguluhan ako. Totoo yun. Hindi naman ako masaya pero pag andyan ka na, nawawala ang problema ng mundo. Kung hindi mo pa nga ipapa-alala ang salot na "imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo" anak ng tipaklong hindi ko iyon maiisip. Masaya ako sa piling mo. Kahit nga text lang e, yung gm na hindi naman para sa akin sa partikular, basta nakakapagpatunog ng cp ko tapos pangalan mo ang lalabas.

Ayaw ko namang aminin sa sarili kong mahal na nga kita. Paano nga ba naman kasi matutukoy kung inlove ka nga sa isang tao.

Ang hirap naman, ako nga hindi ko matukoy kung tao nga ba ako.

Hay (isang malalim na buntong hiningang hindi ko naman kayang sisirin)

Ang hirap magpaliwanag ng nararamdaman.

Ang mas mahirap hindi mo alam kung magiging katanggap - tanggap ba ito sa nag iisang taong gusto kong tumanggap niyon. Masaklap nito pag naunahan ng takot. E lagi naman akong nauunahan ng takot. Madalas nagtatapang - tapangan lang ako. Mas naiisip kong natatakot ako kapag naiisip ko ang pwede mong maging reaksyon. Hala naman.

Para akong pinuputakti. Parang nagtitigi - tigisang kagat ang mga hantik sa puso ko.

Hala hanggang kailan ako ganito?

Sabi mo nga, dapat bakahin ang takot. Paano ko babakahin ang takot na ito? Hindi ko masabi sa iyo, at wala naman akong balak na sabihin. Kung mababasa mo naman ito, idedeny ko rin. Denial queen kaya ako. Nauubos ang self confidence ko pag dating sa iyo. Wala tameme na. Sa masa na lang ako mangungulit, baka sakali pag mahal na nila ako, mahalin mo rin ako. Nyek.

Hay naku naman (dudugtong ang pangalan mo). Sabi mo nga, parang ang laki - laki ng kasalanan mo sa akin. Malaki talaga. Palagi kitang naiisip, naiisip kahit na hindi naman dapat na maisip. Ginugulo mo ang utak ko. Ginagalugad ang laman nang puso ko. Nakaka - inis talaga. Hay naku!

Pero kung naiinis ako sa iyo, dahil nga ginugulo mo ang puso ko. Mas naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko masabi ang nararamdaman ng puso.

Hay, lumilipas ang mga araw ng ganito. saglit pa lang kitang nakikilala pero parang araw - araw may idinadagdag kang dahilan para mahalin kita.

Kagabi natunugan ng kulektib ko ang nararamdaman ko para sa iyo. Natutunugan mo na rin. Pero ano nga ba?

Nag uusap kami ni Jomel sa balkonahe ng bahay namin. Nagsasalita sya, may ka - text ako. Napansin nyang hindi ako nakikinig sa mga sinasabi nya. May iba akong naiisip na hindi ko masabi. Makulit yang si Jomel e, tinignan yung tinetext ko at ayun ikaw nga. Sa huli napa amin rin ako.

Ang ending dahil buko na, e di umamin na sa mga kulektib alangan namang magtago pa.

Ayun nga.

Aminin na ang dapat aminin.

Nagtaka pa nga sila sa umpisa. Taka - takahan lang yata. Pano siguro ay halata rin naman nila.

Obyus naman akong magkagusto sa isang tao. Malamang nga sa malamang nakakahalata ka na rin.

Nakakahalata mula sa mga text na palagi kong sasagutin. Mga jokes na pinapatulan ko, hindi naman ako patola sa iba. komitment kahit na lampas sa ikinokomit ko sa mga natural at normal na pagkakataon. Extra na palaging may extra. Parang extra rice kahit imba rice na ang nakahain.



Ilan?



Ilang pangarap na ba,
Ang nilusaw sa sinapupunan
ng kumakalam na tiyan?
Ilang pangarap na ba,
Ang tinangay sa kawalan
Ilan?
Ilan na nga ba?
Hindi ko na rin mabilang.

pang ilan ka kaya?

Martes, Marso 20, 2012

Biyaheng traysikol.

Biyaheng traysikol

Ni: TL

Nagsusulat ako sa aking kwaderno ng mga kung anu – anong mga tula. Samu’t – sari na rin ang napasok sa aking isip na naghahangad umalpas sa tinta ng aking panulat tungo sa kwadernong tipunan ng mga ala - ala.

Nakagawian ko na itong pampalipas ng mga patay na oras.

Matagal maghintay ng biyahe dito sa lugar namin, may isang oras at tatlumpong minuto na ang nakalipas ay ako pa lang rin ang tanging pasahero. Naghihintay pa ng apat na makakasabay. Mahal kasi ang biyaheng arkilado, aabutin ka ng dalawang daang piso.

Nilabas ko ang mga dokumentong babasahin. Mga balita iyon mula sa iba’t – ibang peryodiko, yung iba’y mula sa internet. Pampalipas oras habang matagal pa ang byahe.

Hiniram ni manong ang isang dyaryo, yung broad sheet ng Inquirer. Nang matapos nya’y yung Manila Bulletin naman, Philippine Star, Balita. Sinilip nya lang ang headline. Nagtagal sya’t napako ang mata sa mga naka-print na isyu ng Pinoy Weekly. Kompilasyon iyon tungkol sa Morong 43. Natapos syang magbasa, at nagpasalamat para sa babasahin.

Naiusal nya, “Hindi na dapat pang pagtaluhan kung ang Morong 43 ay mga totoong NPA.”

Gayon din ang aking himutok tungkol sa pagkakasakdal sa kanila. Hindi ko akalaing gayon din ang ituturan ni manong. Itinanong ko kung bakit.

Kahit sino daw naman kasing dumaan sa palad ng mga militar, tiyak ay aamin sa kahit na ano pa mang ipa – amin sa kanila.

Naalala ko tuloy yung video nung pobreng mama na tinotortyur ng isang pulis Tondo. Eh ano nga ba kung totoong snatcher sya. Kahit yung mga hindi sya ang gumawa tiyak aaminin nun. Nakakasuklam ang mga pangyayari sa video. Hindi ko masikmura. Hindi ko rin maiwasang maisip na maaaring tulad din nun ang nangyari sa mga manggagamot na hinuli sa Rizal.

Kung di lang umingay ang taghoy ng mga pinaglilingkuran nilang mga mamamayan. Baka hindi 43 ang mga iyon ngayon.

Sa lugar namin sa Pampangga malayo ang ospital. Mahirap mag – pagamot, swerteng mayroong isang midwife sa aming lugar. Kung wala sya, sa kabilang bayan ka pa sa Bulacan manganganak. Tyambahan din yun, hindi naman palaging nandun ang midwife. Ako nga ay idinayo pa sa Malolos para lang mailuwal ng Inang.

Hindi lang naman dito sa am in ang may ganitong kalagayan, sa ibang lugar nga ay mas malayo pa ang ospital este klinika pala ng barangay sa kabilang ibayo, at tawid bundok ang layo. Ang saklap pa\y wala ni midwife at ang gamut dito ay ilang pirasong parasetamol na nuong isang taon pa napaso bago madala duon nung may medical mission daw ang gobyerno. E kahit siguro yung mga doctor na nagpunta duon, alam na walang mararating ang misyon – misyunan nila.

Sabi ni manong, kung totoo naman na mga NPA ang mga manggagamot na nahuli’y hindi na rin siguro mahalaga. Ang importante may nanggagamot, may kumakalinga, may nagtatangkang suungin ang hirap sa araw - araw para sa mga taong tulad nami’y wala.

Hindi na rin siguro masama ang rebelyon, dugtong pa nya.

Mas marami raw ang adik sa lugar namin kahit na nga ba probinsya. Nagsimula raw iyon nung tinambayan ng mga militar ang pamilihang bayan. Mahirap naman daw sabihing militar ang protektor ng mga iyon, pero parang ganon ang lumalabas.

Kapag may militar, marami ang nauuso. Nakawan ng manok, itik, gansa, bibe, pabo, talisain, kambing, baka, kalabaw, kaldero, motor, bisikleta, panti sa sampayan, palay, at ng kahit na anong may halaga.

Uso na rin ang mga iba't ibang nangmomodus, mga pekeng kung anu - ano, para luoban ang mga tahanan. Samu't sari ang kriminalidad na nangyayari. Iba pa yung mga dinudukot dahil napagbibintangan ng kung anu - ano, kahit na tiyakin ng mga kabaryong hinding hindi maaaring nagawa ng isinakdal sa gatilyo ang bintang na krimen, at ang mga dalagang nagagahasa sa himlayan sa nayon.

Kung susumahin mo,yung pinagbibintangan ay dito na inugat at nilupa pero hindi naman nangyayari ang binibintang sa kanya, na nangyayari simula ng dumating sa baryo ang mga militar.

Kay hirap na nga lang talagang magsalita at baka mapag - initan at pati ang pamilya'y madamay pa.

Pero hindi naman kami palaging dapat na takot. Kung tutuo ang balita ng mga dumadayo kababaryo namin sa ibang mga karatig bayan para makisaka’y maayos daw duon at may hukbo. Yung mga hukbo daw ay di hukbo ng gobyerno at di unipormado pero mahuhusay na tao. Magagalang sila sa mga magsasakang nakakasalamuha. Kapag tumuloy sa tahanay naghuhubad ng tsinelas at sapatos upang huwag madala sa loob ang putik ng daan. Naglilinis ng kusina kung nakiki-kape. Nagbabayad ng tama kung may nasisira. Nahihinto ang mga nakawan, nahuhuli ang mga nagsasamantala sa mga kadalagahan. Aba’y may dalaga rin akong anak. Ayokong kakaba – kaba na baka mapahamak sya. Di bale ng manakawan ng kabuhayan wag lang ang mga mahal mo sa buhay. Kapag dinalaw kami ng mga hukbo dito'y magmamatapang na akong sumali't mahirap ang matirikang walang laban.



-Isang pakikipaghuntahan sa isang tricycle driver pasuong sa aming baryo. Ang nasabi ko lang ay oo nga po at salamat sa huli bago bumaba at iabot ang pamasahe.

sa singko

kagaya ng maraming mga bagay bagay ay tila naibaon na sa limot ng kasuklam suklam na mga ala - ala ang ating kahapon. na ayaw ng lingunin, ni balikan sa balintataw, ni hindi masambit sa mga huntahang nagtatapos sa kibit na balikat at pagpapa - alam... tamang dyan nalang ang iyong kalagyan, isa kang bangungot na ayaw ko ng balikan.

Isang Liham

Dec 12, 2008


Bebekoy,

Medyo matagal na rin, at namiss talaga kita. Pasensya alam mo naman yung sulat ko parang may kakarerang kalabaw. Sobrang tagal, akala ko three months lang nag enjoy ka naman yata dyan. Hehe okey lang namimiss man kita natutuwa na rin naman ako na nandyan ka… walang kasing demanding mo ngayon dito… hay namiss talaga kita ng sobra… ikaw yung pinaka baliw kong Bebekoy e…



Nakaka balibalita naman ako pagka minsan, mga simpleng tumaba ka raw, pumayat mga ganun – ganun at ganito… di ko naman alam kung saan ka… normal lang naman sigurong dalawin ako ng pag aalala… Pero masaya naman ako sa tumutumbas sa pag – aalala, amanos lang… Ganun yata talaga ang nalalayo sa isa sa pinaka malapit na bahagi ng buhay mo… ang nakaka inis dun wala kang kakayahang sumama ngayun lang, hehe susunod din ako… hindi naman ako palaging mahina.



Mabilis lang bilangin ang mga araw pinipilit ko namang huwag lamunin ng sistema sa paligid ko ngayun. Natutuwa nga ako't nawala yung mga insecurities ko noon na nagtulak sa akin papalayo. Pinipilit ko na rin na maging open sa mga nararamdaman ko, nakikita at naisip para kung sablay madaling punahin. Nakakatuwa naman, kahit papano malinaw na sakin yung mga bagay –bagay. Hindi ako nagsasariling konklusyon.



Nagiging libangan ko ang pagsulat ng tula nitong mga nagdaang mga araw… limitado ang kausap e… kesa naman mapanisan ng laway. Saka kung anu anong mga craft na maibebenta. Syempre pinaghahandaan ko rin yung kalusugan ko, palakad lakad, exercise, saka medication. Para pag balik ko di naman ako palaging inaatake dahil sa pagod sa paglalakad palang. Pero sa kabuuan okey naman ako.


Mommy

nakuha ko sa mga lumang gamit

Kwentong bully

binubully ako noon. Bully kid ang mga kaklase ko. Isa ako sa pinaka maliit sa klase, apat na taon lang kasi ako nung mag grade 1 at sila'y pitong taon na. Napikon ako, sinaksak ko ng ballpen sa braso ang kaklase ko. umiyak sya nagsumbong sa teacher. ang teacher (si Mrs. Boses) hindi naniniwala kasi ang liit liit ko raw. ang itsura ko kasi non naka braided na long hair, may malaking stroller na bag yung barbie, at neat na uniform. hindi rin ako pala imik. simula non natigil na ang mga bully, ako naman ang nang bubully sa kanila... hahaha

Martes, Marso 13, 2012

Estero Declaration Full text


METROPOLITAN MANILA MAYORS'
ESTERO DECLARATION
WE, THE UNDERSIGNED MAYORS OF THE SIXTEEN CITIES AND ONE MUNICIPALITY COMPRISING METROPOLITAN MANILA, TOGETHER WITH THE CHAIRMAN OF THE METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA), recognize the urgent need to control environmental pollution and its dire effects on the health, safety and quality of life of Metropolitan Manila residents.

WE ACKNOWLEDGE our collective responsibility to advance and strengthen sustainable development - economic development, social development and environmental protection - at the local and regional levels.

WE DECLARE our responsibility to one another, to our fellow citizens residing, traversing and earning their living within Metropolitan Manila, to the greater community and to our descendants.

WE NOTE that within Metropolitan Manila, some of the following areas have been identified as flood prone: (a) Sampaloc, Manila and its immediate vicinity; (b) Rizal Avenue corner R. Papa; (c) South Superhighway - Buendia and its vicinity; (d) Maysilo Circle - Boni Avenue and its vicinity; (e) Shaw Boulevard, Kalentong St. and vicinity; (f) Barangay Salapan and Balong Bato, San Juan City; (g) Barangays Dona Imelda, Damayong Lagi, Tatalon and Talayan, Quezon City; (h) Pasig-Marikina River Basin; and (i) Laguna Lakeshore Area.

WE NOTE that the causes of flooding include the low efficiency of existing pumping stations, the continued presence of informal settlers that constrict our esteros thereby limiting the capacity to convey flood waters to the pumping stations, the limited capacity of existing esteros, diversion channels, creeks and other waterways, inadequate drainage systems, and overflowing rivers.

WE CONCUR with the 1976 UN Conference on Human Settlements declaration considering land as the principal instrument in fostering "social justice, development, provision of decent dwellings, and health conditions, to be used in the interest of the society as a whole."

WE CONCUR with findings that land utilization in the economic and social activities of society makes it imperative to adopt a comprehensive land use policy to effectively manage the utilization of this resource.

WE RECOGNIZE the mandate of the Philippine Supreme Court embodied in the landmark case "Metropolitan Manila Development Authority, et. al. v. Concerned Residents of Manila Bay, et. al. (G.R.No. 171947 - 48, 18 December 2008)," requiring the MMDA and other government agencies to "protect and preserve, at the first instance, our internal waters, rivers, shores, and seas polluted by human activities".

WE RECOGNIZE that the seven major causes of flooding are rapid urbanization and development, rapid clogging and siltation of drainage laterals and waterways, encroachment in open waterways, limited capacity of existing drainage systems, lack of integrated land use plans, inadequate flood control structures and excessive rainfall intensity due to climate change.

WE RECOGNIZE that sustainable development requires the integrated management of activities among government and the citizenry in continuing public-private partnership.

WE RECOGNIZE the importance of institutionalizing coalitions between civil society and government to promote good governance, empower the citizenry and reduce poverty.

WE ACKNOWLEDGE the urgent need to implement immediate, medium- and long-term plans to mitigate and eradicate the life-threatening effects of environmental degradation.


Against this background:

WE PLEDGE full compliance with the directive to local government units, embodied in the Manila Bay case to inspect all factories, commercial establishments, and private homes along the banks of the major river systems within our respective areas of jurisdiction, such as but not limited to the Pasig-Marikina-San Juan Rivers, the NCR Rivers, and the Navotas-Malabon-Tullahan-Tenejeros Rivers, and other minor rivers and waterways that eventually discharge water into the Manila Bay, and the lands abutting the bay, to determine whether they have wastewater treatment facilities or hygienic septic tanks as prescribed by laws, ordinances and rules and regulations.

WE PLEDGE to order non-complying establishments and homes within our jurisdiction, to set up the said facilities or septic tanks within a reasonable time to prevent industrial wastes, sewage water, and human wastes from flowing into these rivers, waterways, esteros and the Manila Bay.

WE COMMIT to fully support the MMDA's mandate, in coordination with each component local government unit and the various government agencies, to dismantle and remove all structures, constructions, and other encroachments established or built in violation of the Urban Development and Housing Act of 1992 and other applicable laws along waterways within our respective jurisdictions.

WE PLEDGE to actively implement our respective anti-littering ordinances as well as to clean and dredge the esteros, creeks and waterways located within our respective jurisdictions as immediate and short-term measures to combat the effects of environmental degradation.

WE PLEDGE to help relocate informal settlers in these areas in coordination with concerned national governmental housing agencies, in a humane manner cognizant of every person's right to a decent dwelling place and standard of living.


City of Makati, Metropolitan Manila, 17 September 2010.


HON. BENJAMIN C. ABALOS, JR.
Mandaluyong City


HON. HERBERT M. BAUTISTA
Quezon City


HON. JEJOMAR ERWIN S. BINAY, JR.
Makati City


HON. GUIA G. GOMEZ
San Juan City


HON. DEL DE GUZMAN
Marikina City


HON. ALFREDO S. LIM
City of Manila


HON. CANUTO S. ORETA
Malabon City


HON. JOHN REY M. TIANGCO
Navotas City


HON. ANTONIO G. CALIXTO
Pasay City
HON. VERGEL A. AGUILAR
Las Piñas City


HON. FLORENCIO M. BERNABE, JR.
Parañaque City


HON. ENRICO R. ECHIVERRI
Caloocan City


HON. ROBERT C. EUSEBIO
Pasig City


HON. SHERWIN T. GATCHALIAN
Valenzuela City


HON. JAIME C. MEDINA
Municipality of Pateros


HON. ALDRIN L. SAN PEDRO
Muntinlupa City


HON. MA. LAARNI L. CAYETANO
Taguig City


SEC. FRANCIS N. TOLENTINO
Metropolitan Manila Development Authority

Martes, Pebrero 28, 2012

Ang iskwater sa Pilipinas ay Pilipino

Hindi ako makatulog. Ayaw manahimik ng mga palaka. Parang hindi rin nauubos ang mga lamok. Napaghahandaan na nila ang hangin.

Nag gigym na sila. Hindi na tinatangay ng electric fan. Ako lang ang lalamigin. Hindi na rin sila hinihika sa katol, ako nalang. Hindi rin sila kumokonti, mas dumarami pa. Pero hindi nila problema ang over population. Nagsheshare naman kasi sila ng pagkain. Pwedeng madaming lamok ang kakagat sa isang tao. Ang ending nun sanlaksang pantal ang nakukuha ko sa magdamag. Piyesta ang mga lamok.

Nagmumukang pang 7 wonders ang balat ko. Mukang chocolate hills.

Ang hirap maging iskwater sa sarili mong tahanan. Wala akong sariling espasyo. Nakiki - espasyo lamang ako sa mga datihan ng nandito. Ang saklap nito kung wala kang sariling tahanan, kahit na iskwater lang.

Hindi ko pwedeng patigilin sa pag kokak ang mga palaka. Ni hindi ko sila mapipigilan sa pag sulpot nila sa aming bakuran. Mananatili sila dito hanggat hindi nauubos ang mga lamok. Hindi rin naman nauubos ang mga lamok. Mas dumadami pa ang lamok. Mas dumadami rin ang palaka. Mas lumalaki ang delubyo ko sa pag - tulog. Maingay na ay malamok pa.

Ang masaklap, hindi ka lang sa bahay mo iskwater. Iskwater ka rin sa sarili mong bayan. Sa lahat yata ng mga bayan dito e may demolisyon. Ang dinedimolish e yung mga lehitimong Pilipino ang mga nag papa demolish e si Mr. Lee, Mr. Tan, Mr. Uy at kung sino - sino pang hindi naman Pilipino. Sino ba talaga ang nag mamay ari ng Pilipinas?

Kung Pilipino ka malamang hindi ito sa iyo. Masakit, pero totoo.

Minsan susubukin ka talaga. Sa argumento ng kung sino ang tama o mali sa bungguan sa kalsada ang kaskaserong foreigner o ang mamang tsuper ng jeep. Malamang ang mali, yung kawawang tsuper ng jeep. Kapag nangibang bayan ka, tapos napatay mo ang rapist mong amo. Bitay ka. Kung dito sa Pilipinas nakapatay sila, dedeport mo lang sa bansa nila, sa atin pa galit.


Peste. Buti pa ang bahay ng anay na pinaniniwalaang nuno sa punso may sariling lugar na hindi sila ginagambala. Ang tao ginagambala ng kapwa tao. Ang laki ng bahay, wala namang nakatira, tapos gusto pa yung bahay ng iba. Mayroon nang malawak na lupa, nang - aangkin pa ng maliit na sa iba. Gahaman.

Martes, Pebrero 14, 2012

Ang Paghihiganti Ni Sisa

Akala mo ba trip lang ni Rizal na sa istorya nya ay mabaliw si Sisa?

Nuong istudyante pa ako, buong akala ko kaya sya nabaliw dahil nga hindi nya makita ang anak na si Crispin. Pero kung babasahin ulit malinaw na malinaw ang paglalarawan ni Rizal na hindi baliw si Sisa ng pumasok sa simbahan at magmakaawa sa prayle para matulungan syang mahanap ang anak.

Nung paglabas na lamang nya sa simbahan sya nabaliw.

Mas naging malinaw ito nung tumalon si Juli at nagpakamatay upang iligtas ang kanyang puri't dangal sa mapagsamantala.

Ninakawan ng puri ang kababaihang Pilipino ng mga dayuhang mananakop at ang masaklap hanggang ngayon ay ganito pa rin ang kalagayan ng ni walang hustisyang natatanggap ang kababaihan ng ating bayan. Bagkus ang ating pamahalaan ay humihikayat pa lalo sa mga dayuhan na manggahasa dito sa ating bayan. Ilang rapist na G.I.Joe ba ang nakulong sa atin, kahit na mahatulang guilty, wakadoo.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na dinadahas ang kababaihan at kahit na nagbuo ng institusyon ang pamahalaan para sa pagprotekta sa karapatan ng kababaihan hindi nila sinisiryoso ang mga ito. Madalas ang mga mandarahas pa ang pinoprotektahan nito.

Pero mas matapang na ang kababaihan ngayon. Nadiskubre na nila ang lakas sa pagsasama - sama. Yung hindi mababaling pagkakaisa na tutulan at wakasan ang pagsasamantala.

Balang araw kasama ako sa paghihiganti ni Sisa at ng marami pang dinusta't pinagsasamantalahang kababaihan sa buong mundo.


Martes, Pebrero 7, 2012

ESTERO'T PAG - IBIG

Paano ko nga ba mailalarawan sa salita ang sayang nararamdaman ko ngayon? Natulog ako ng nakangiti kagabi. Parang walang panganib, walang pangamba. Ni hindi ko nga namalayan ang oras na kinabukasan na pala. Basta alam kong masaya ako.

Nakikipag kwentuhan ako kay nanay Maria. Makulit kasi ang apo nya, kaya yung bata ang topic namin. Kung anu - anong naiisipan kahit na madaling araw na. Parang walang kapaguran. Parang ayaw tumigil. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng pasensya sa araw na ito. Dati'y alam na alam kong bugnutin ako. Alam na alam kong napipikon ako. Pero ngayon masaya lang ako.

Dito kasi, may mga bagay na alam kong hindi ko kaya. Palasuko kasi ako at madalas na tinatamad, pero dito nagagawa ko ang maraming mga bagay. Kahit ang mga kasama ko nagugulat. Kung sabagay ako nga mismo nagugulat.

Nagkakasya ako sa kung anung meron, pag hindi kasya e, di pag - kasyahin.

Hindi naman talaga marumi dito. Hindi lang maayos ang pagkakatagpi - tagpi ng mga bahay. Kulang lang rin talaga sa materyales. Pero walang lamok at langaw. Sabi ni Tatay ni Rhina natyempuhan ko lang raw. O siguro masaya ako sa pagtulog ko kaya hindi ko nalang namalayan.

Unti - unti ko nang nakikilala ang mga tao dito. Hindi na ako bagong muka.

Kasabay ng familiarization ang pagka alis ng pagkahiya. Nasasanay na ako.

Maraming bagay na hindi ko inaakalang kaya ko at kakayanin ko ang dito ko nagawa ang mga iyon. Umakyat sa pader, umudo sa estero, umakyat sa lateral na hagdanan at lumakad sa makipot na daan.

Dito pinaka - masarap ay masayang kumain. Sama - sama kasi. Masaya ang mga tao. Minsan di nagkakaintindihan pero hindi naman tumatagal ang mga alitan.

Hindi ako napapaligiran ng mga taong magkakakilala pero hindi nagpapansinan. Dito kasi lahat sila nagbabatian.

Nagbabago na ang pananaw ko sa mga binansagang "Professional Squatters".

Dito ako naging pinaka - masaya, sa piling nila.

Pang - gulo

Kung hindi kami kikilos
Kaninong puso namin aamutin
ang awa---
Kaninong mata, hihingin
ang pang unawa----
Kaninong mabuting loob
Manggagaling ang pagkukusa!

Kung hindi kami kikilos
At gagawa ng barikada
Sinong pipigil sa kanilang
Dahas, at walang awang pag giba
Sa aming tahanan, sa aming kabuhayan?
Sinong pipigil sa tampalasang kautusan
Na kami'y ipagtabuyan?

Kung hindi kami---
Sino kaya?

Miyerkules, Enero 11, 2012

Pahulaan

Ang papahulaan ko
Tiyak kong alam na alam nyo
Ako'y may kilala,
Reyna - reynahang baging
Dito sa aming baya'y
Nagkakalat ng lagim
Ang lahat ng kanyang naisin
Walang pakundangan
Kung patupad
Kahit pa, kahit na ba
Ang buhay ng marami'y
mag alanganin
Kahit pa, kahit na ba
Kahit na sinong masaktan
Kahit na, kahit na ba
Tayo'y mawalan ng tahanan.
Basta ang bagong palasyo'y
Agad nang masimulan...

Sakdalang ganid!
GUIA ang ngalan!