Nakikipag kwentuhan ako kay nanay Maria. Makulit kasi ang apo nya, kaya yung bata ang topic namin. Kung anu - anong naiisipan kahit na madaling araw na. Parang walang kapaguran. Parang ayaw tumigil. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng pasensya sa araw na ito. Dati'y alam na alam kong bugnutin ako. Alam na alam kong napipikon ako. Pero ngayon masaya lang ako.
Dito kasi, may mga bagay na alam kong hindi ko kaya. Palasuko kasi ako at madalas na tinatamad, pero dito nagagawa ko ang maraming mga bagay. Kahit ang mga kasama ko nagugulat. Kung sabagay ako nga mismo nagugulat.
Nagkakasya ako sa kung anung meron, pag hindi kasya e, di pag - kasyahin.
Hindi naman talaga marumi dito. Hindi lang maayos ang pagkakatagpi - tagpi ng mga bahay. Kulang lang rin talaga sa materyales. Pero walang lamok at langaw. Sabi ni Tatay ni Rhina natyempuhan ko lang raw. O siguro masaya ako sa pagtulog ko kaya hindi ko nalang namalayan.
Unti - unti ko nang nakikilala ang mga tao dito. Hindi na ako bagong muka.
Kasabay ng familiarization ang pagka alis ng pagkahiya. Nasasanay na ako.
Maraming bagay na hindi ko inaakalang kaya ko at kakayanin ko ang dito ko nagawa ang mga iyon. Umakyat sa pader, umudo sa estero, umakyat sa lateral na hagdanan at lumakad sa makipot na daan.
Dito pinaka - masarap ay masayang kumain. Sama - sama kasi. Masaya ang mga tao. Minsan di nagkakaintindihan pero hindi naman tumatagal ang mga alitan.
Hindi ako napapaligiran ng mga taong magkakakilala pero hindi nagpapansinan. Dito kasi lahat sila nagbabatian.
Nagbabago na ang pananaw ko sa mga binansagang "Professional Squatters".
Dito ako naging pinaka - masaya, sa piling nila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento