BABALA

Sa buhay na ito, samu't sari ang mga pesteng nagkukunwari!

Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Ang nararamdaman ko para sa iyo

Sa totoo lang nalilito rin ako. Naghahalo - halo na rin kasi ang mga bagay - bagay.

Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para sa iyo?

Ang totoo kahit na minsan ay aminado na ako ay in denial pa rin. Hay, kahit na ako naihihirapang intindihin ang sarili. Minsan aamin, madalas hindi. E, duwag kasi ako, takot sa rejection. Bakit nga ba ako takot? Dapat sanay na sanay na ako, kahit kasi ako mismo sa sarili ko, nirereject ko ang sarili. Tapos matatakot sa rejection? Namputa naman o. Ang gulo gulo ko.

Naguguluhan ako. Totoo yun. Hindi naman ako masaya pero pag andyan ka na, nawawala ang problema ng mundo. Kung hindi mo pa nga ipapa-alala ang salot na "imperyalismo, burukrata kapitalismo, at pyudalismo" anak ng tipaklong hindi ko iyon maiisip. Masaya ako sa piling mo. Kahit nga text lang e, yung gm na hindi naman para sa akin sa partikular, basta nakakapagpatunog ng cp ko tapos pangalan mo ang lalabas.

Ayaw ko namang aminin sa sarili kong mahal na nga kita. Paano nga ba naman kasi matutukoy kung inlove ka nga sa isang tao.

Ang hirap naman, ako nga hindi ko matukoy kung tao nga ba ako.

Hay (isang malalim na buntong hiningang hindi ko naman kayang sisirin)

Ang hirap magpaliwanag ng nararamdaman.

Ang mas mahirap hindi mo alam kung magiging katanggap - tanggap ba ito sa nag iisang taong gusto kong tumanggap niyon. Masaklap nito pag naunahan ng takot. E lagi naman akong nauunahan ng takot. Madalas nagtatapang - tapangan lang ako. Mas naiisip kong natatakot ako kapag naiisip ko ang pwede mong maging reaksyon. Hala naman.

Para akong pinuputakti. Parang nagtitigi - tigisang kagat ang mga hantik sa puso ko.

Hala hanggang kailan ako ganito?

Sabi mo nga, dapat bakahin ang takot. Paano ko babakahin ang takot na ito? Hindi ko masabi sa iyo, at wala naman akong balak na sabihin. Kung mababasa mo naman ito, idedeny ko rin. Denial queen kaya ako. Nauubos ang self confidence ko pag dating sa iyo. Wala tameme na. Sa masa na lang ako mangungulit, baka sakali pag mahal na nila ako, mahalin mo rin ako. Nyek.

Hay naku naman (dudugtong ang pangalan mo). Sabi mo nga, parang ang laki - laki ng kasalanan mo sa akin. Malaki talaga. Palagi kitang naiisip, naiisip kahit na hindi naman dapat na maisip. Ginugulo mo ang utak ko. Ginagalugad ang laman nang puso ko. Nakaka - inis talaga. Hay naku!

Pero kung naiinis ako sa iyo, dahil nga ginugulo mo ang puso ko. Mas naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko masabi ang nararamdaman ng puso.

Hay, lumilipas ang mga araw ng ganito. saglit pa lang kitang nakikilala pero parang araw - araw may idinadagdag kang dahilan para mahalin kita.

Kagabi natunugan ng kulektib ko ang nararamdaman ko para sa iyo. Natutunugan mo na rin. Pero ano nga ba?

Nag uusap kami ni Jomel sa balkonahe ng bahay namin. Nagsasalita sya, may ka - text ako. Napansin nyang hindi ako nakikinig sa mga sinasabi nya. May iba akong naiisip na hindi ko masabi. Makulit yang si Jomel e, tinignan yung tinetext ko at ayun ikaw nga. Sa huli napa amin rin ako.

Ang ending dahil buko na, e di umamin na sa mga kulektib alangan namang magtago pa.

Ayun nga.

Aminin na ang dapat aminin.

Nagtaka pa nga sila sa umpisa. Taka - takahan lang yata. Pano siguro ay halata rin naman nila.

Obyus naman akong magkagusto sa isang tao. Malamang nga sa malamang nakakahalata ka na rin.

Nakakahalata mula sa mga text na palagi kong sasagutin. Mga jokes na pinapatulan ko, hindi naman ako patola sa iba. komitment kahit na lampas sa ikinokomit ko sa mga natural at normal na pagkakataon. Extra na palaging may extra. Parang extra rice kahit imba rice na ang nakahain.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento